today is my birthday..
my last birthday in dlsu..
thank you sa mga nagsulat dun sa letter..
nasurprise niyo pa rin ako kasi never ko siyang nakita sa sinusulatan ninyo..
salamt rach at naisipan mong gawin yung little surprise na iyon para sa akin,it made my birthday happier..
thank you na din sa lahat ng bumati sa akin..pasensya na kung d ako nakareply sa texts niyo..
narealize ko kung gaano ako kasuwerte sa mga kaibigan, at pamilya ko..kasi kahit papano hindi pa rin sila nakakalimot..alam kong malabo pero siyempre masarap pa rin kasi naalala pa rin nila dba..
astig din kasi may mga unexpected na taong magtetext na lang sayo out of nowhere..kahit matagal na kayong hindi nagkikita naalala pa rin nila birthday mo..masarap sa pakiramdam yung ganun..
basta isa lang masasabi ko..
SALAMAT sa inyong lahat at pinsaya ninyo ang kaarawan ko..
SALAMAT sa aking pamilya..
SALAMAT sa aking amphikada..hehehe..
SALAMAT sa aking barkada..
SALAMAT sa aking mga high school at college classmates na hindi nakakalimot..
SALAMAT sa Diyos at nakapagcelebrate pa ako ngayon..
BASTA SALAMAT SA LAHAT!!
ingat kayo at mahal ko kayo!!